Pagluluto:Mechado
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | buong karne ng baka, hiniwang pakuwadrado |
| 1 | piraso | laurel |
| 1 | maliit na lata | tomato sauce |
| ½ | tasa | suka |
| ½ | kutsarita | asin pantimpla |
| ½ | kutsarita | paminta pantimpla |
| 6 | piraso | patatas, hinati sa dalawa |
| 4 | piraso | sibuyas |
| ¼ | tasa | pimiento |
| 2 | kutsara | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, ilagay ang karne, laurel, tomato sauce, suka, asin, paminta at sapat na tubig.
- Takpan at lutuin hanggang lumambot ang karne.
- Idagdag ang patatas, sibuyas at pimiento.
- Palambutin ang patatas.
- Hayaang matuyo nang bahagya ang sarsa.
- Idagdag ang mantika at haluhaluin.