Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Meatballs con Keso

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo giniling na baka
1 ½ tasa biskotso (bread crumbs)
2 kutsarita pinulbos na cumin
tasa sibuyas, tinadtad
tasa gatas na evaporada
3 kutsara parsley, tinadtad
1 pakete taco seasoning mix
¼ kutsarita pamintang durog
1 piraso itlog ng manok
3 kutsara salad oil
½ kilo cheese spread
1 lata green chili, tinadtad

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa isang mangkok, paghaluin ang giniling na baka, biskotso, cumin, sibuyas, gatas, parsley, paminta at itlog.
  2. Bilugin ng isang pulgadang bilog o kasing laki ng malaking holen.
  3. Prituhin ng lubog sa mantika. Hanguin at salain ang mantika.
  4. Sa isang kawali na pinahiran ng kaunting mantika, tunawin ang keso.
  5. Ilagay ang chili kasama ang sabaw nito, taco seasoning mix, at ¾ na tasang tubig hanggang sa matunaw ang keso.
  6. Ihalo ang meatballs sa kawali.
  7. Takpan at pakuluan.
  8. Halu-haluin hanggang sa masipsip ng meatballs ang sauce.