Pagluluto:Matamis at Maasim na Lapu-Lapu
Sangkap
[baguhin]1 | buo | lapu-lapu |
1 | kutsarita | dinikdik na bawang |
2 | tasa | mantika |
5 | piraso | pulang sili, tinadtad |
1 | piraso | karot, hiniwang pabilog |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa |
1 | piraso | kamatis, hiniwa |
1 | piraso | katamtamang laki ng luya, hiniwa |
1 | bote | sweet and sour sauce |
1 | kutsara | sesame seed oil |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hiwain ang isda sa likod matapos linisin.
- Kuskusan ng bawang, sili at asin.
- Painitin ang mantika sa kawali at iprito ang isda.
- Kapag mamula-mula na ang isda, hanguin ito at patuluin hanggang maalis ang mantika.
- Sa isa pang lutuan, painitin ang 1 kutsaritang mantika.
- Ilagay ang karot.
- Haluin nang mabuti at isama ang pulang sili, sibuyas, kamatis, bawang at luya.
- Haluin at lutuin nang 15 segundo pa at ibuhos ang sweet and sour sauce.
- Kapag kumukulo na ay patayin ang apoy at ihalo ang sesame seed oil.