Pagluluto:Mashed Potato
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 4 | piraso | patatas (katamtamang laki) |
| 1 | maliit na lata | gatas na evaporada |
| 1 | pakete | krema |
| ½ | kutsarita | asin |
| 1 | kutsarita | asukal |
| cayenne pepper powder (kung mayroon) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pakuluan ng lubog sa tubig ang patatas.
- Hanguin ito at maingat na balatan.
- Durugin ang patatas sa isang mangkok.
- Ibuhos ang gatas.
- Kapag nahalo nang mabuti, idagdag ang krema.
- Timplahan ng asin, asukal at paminta ayon sa panlasa.
- Maari itong ihanda nang mag-isa o may mushroom sauce.