Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Masapodrida

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
tasa kinudkud na niyog
¼ tasa asukal
½ tasa arina
kutsarita asin
1 piraso pula ng itlog
¼ tasa margarina

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Salain ang arina at asin at isama ang niyog.
  2. Haluing mabuti at idagdag na dahan-dahan ang tinunaw na mantika.
  3. Batihin ang pula ng itlog at idagdag ang asukal.
  4. Isama ito sa arina. Masahin.
  5. Ilatag na may kapal na ¼ pulgada.
  6. Hiwain sa laking nais ang bawa’t piraso o kung may pangkorte ng biskuwit at iyon ang gamitin.
  7. Ang bawa’t piraso ay pahiran ng pula ng itlog at budburan pa ng asukal.
  8. Lutuin sa mainit-init na hurno.