Pagluluto:Maruyang Saging
Itsura
Sangkap
[baguhin]6 | piraso | saging na saba |
1 | tasa | arina |
1 | kutsara | baking powder |
3 | kutsara | asukal |
2 | kutsara | atsuwete |
3 | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Papulahin ang tubig sa pamamagitan ng katas ng atsuwete.
- Paghaluin ang arina, baking powder at asukal.
- Ibuhos nang unti-unti ang tubig na pinapula ng atsuwete. Habang ibinubuhos ay haluin upang magpantay ang pagkakalapot ng arina.
- Ihelera sa platitong malaki ang tatlong hiwa ng saging. Sa bawat saging ay hiwain nang pakuwadrado at manipis.
- Buhusan sa ibabaw ang 3 kutsara na tinunaw na arina.
- Magpakulo ng maraming mantika sa kawali at magtakal ng ⅓ tasang maruya. Prituhin hanggang maluto at lumutong nang bahagya.
- Haguin ang patuluin. Budburan ng kaunting asukal sa ibabaw.