Pagluluto:Marble Sundae
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | pint | chocolate ice cream |
| ¾ | tasa | asukal |
| ⅓ | tasa | tubig |
| ¼ | tasa | cream of tartar |
| 4 | piraso | pula ng itlog |
| 1 ½ | tasa | all-purpose cream |
Paraan ng paghalo
[baguhin]- Hulmahin ang sorbetes sa ilalim at gilid ng hulmahan ng gulaman.
- Patigasin sa freezer.
- Sa isang kaserola, pagsamahin ang asukal, tubig at cream of tartar.
- Pakuluan hanggang lumapot ng husto.
- Batihin ang pula ng itlog hanggang maging dilaw at lumapot.
- Ibuhos ng unti-unti ang mainit na arnibal habang tuloy-tuloy na binabati. # Lutuin ito sa double boiler hanggang lumapot habang tuluyang hinahalo.
- Palamigin.
- Batihin ang cream hanggang tumigas.
- Ihalo sa pinalamig na mga sangkap.
- Ibuhos ng dahan-dahan sa hulmahang may sorbetes.
- Ibalik sa freezer para tumigas.