Pagluluto:Maple Spareribs
Itsura
Sangkap
[baguhin]½ | tasa | sabaw ng baboy o manok |
¾ | tasa | maple syrup |
¼ | kutsarita | cayenne pepper |
½ | kutsara | dinikdik na bawang |
2 | kutsara | tomato paste |
1 ½ | kutsara | mustard |
2 | kutsara | katas ng lemon |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | paminta |
2 ½ | kilo | tadyang ng baboy |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa 400°F.
- Paghaluin lahat ng mga sangkap maliban sa tadyang.
- Haluing maigi.
- Tanggalan ng sobrang taba ang tadyang at hatiin sa dalawa.
- Iayos sa isang baking pan at isalang sa oven ng 30 minuto.
- Ilabas mula sa oven at tanggalin ang pinagmantikaan.
- Ibuhos ang pinaghalong sangkap sa tadyang.
- Ibaba ang init ng oven sa 350°F.
- Hayaang maluto ang tadyang.
- Maya't-maya ay pahiran ng sarsa ang ibabaw ng mga tadyang.
- Lutuin hanggang lumambot.