Pagluluto:Manhattan Clam Chowder
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ½ | kutsara | clarified butter |
| ¼ | tasa | tinadtad na bacon |
| 2 | kutsara | tinadtad na sibuyas |
| 2 | kutsara | tinadtad na kamatis |
| 8 | tasa | cream soup |
| ½ | tasa | hiniwang pakuwadradong patatas |
| ½ | tasa | lutong halaan |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | pamintang puti |
| ¼ | tasa | cream |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang kaserola, painitin ang mantikilya at igisa ang bacon.
- Isama ang sibuyas at kamatis.
- Lutuin ng 3 minuto.
- Ibuhos ang sabaw.
- Pakuluin bago ihalo ang patatas at halaan.
- Lutuin hanggang lumambot ang patatas.
- Timplahan.
- Ihalo ang cream.
- Painitin ng bahagya.
- Ihain kaagad.