Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Mami

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]

Noodles

[baguhin]
2 tasa harina
¼ tasa tubig
1 kutsarita lihiya
1 kutsarita asin

Sabaw

[baguhin]
1 tasa hiniwang nilagang baboy a manok
4 kutsara tinadtad na piniritong bawang
4 kutsara tinadtad na sibuyas na mura
2 kutsara hiniwang sibuyas tagalog, pinirito
2 piraso nilagang itlog, hiniwa
6 tasa sabaw o pinaglagaan ng baboy o manok

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Sa isang mangkok paghaluin ang mga sangkap para sa noodles.
  2. Masahin hanggang kuminis.
  3. Padaanan ng rolling pin hanggang manipis na manipis o idaan sa pasta machine.
  4. Putulin ng manipis at makitid.
  5. Magpainit ng tubig na may kaunting asin.
  6. Ihulog ang noodles hanggang maluto.
  7. Patuluin.
  8. Maglagay ng noodles sa mangkok.
  9. Paibabawan ng hiniwang baboy o karne, bawang, sibuyas at nilagang itlog.
  10. Punuan ng mainit na sabaw.