Pagluluto:Maja de Ube
Itsura
Sangkap
[baguhin]3 | tasa | gata ng niyog, walang tubig |
1 | tasa | sariwang gatas |
1 | tasa | gatas na ebaporada |
1 | tasa | tubig |
5 | piraso | dahon ng pandan |
2 | tasa | puting asukal |
4 | tasa | ube, binalatan, pinakuluan at dinurog ng pino |
1 | kutsara | asin |
¼ | tasa | mantikilya |
¾ | tasa | cornstarch |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Haluing maigi ang lahat ng sangkap sa kawa. Siguraduhin na walang bukol ang masa. Iluto sa katamtamang lakas ng apoy.
- Hinaan ang apoy kapag ang maja ay nagsimulang kumulo.
- Haluin ng tuloy-tuloy upang hindi masunog. Kapag ito ay magsimulang kuminang, ang maja ay luto na.
- Ilipat agad sa isang hulmahan. Alisin ang dahon ng pandan.
- Hiwain at ihain ng malamig. Lagyan ng tustadong kindkid na niyog.