Pagluluto:Madaliang Sabaw
Sangkap
[baguhin]1 | buo | maliit na sibuyas |
1 | butil | bawang |
2 | piraso | dahon ng laurel |
2 | kutsarita | mantika |
1 | kutsarita | katas ng kalamansi |
1 | lata | (10 onsang) tomato sauce |
1 | tasa | tubig na pangsabaw |
2 | tasa | piniritong ginayat na tokwa |
4 | piraso | hiniwang tinapay (French bread o pandesal) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Lutuin ang bawang, sibuyas, dahon ng laurel sa mantika hanggang lumambot. #Idagdag ang ginayat na tokwa, tubig na pangsabaw, katas ng kalamansi at tomato sauce.
- Pakuluin, takpan, bayaang kumulong dahan-dahan hanggang 5 minuto.
- Sandukin at ibuhos sa tinustang tinapay na nasa mga mangkok.