Pagluluto:Macaroons

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search


Sangkap[baguhin]

¼ tasa mantikilya
½ tasa asukal
4 piraso itlog (hiniwalay ang pula sa puti)
½ tasa gatas kondensada
4 tasa dessicated coconut
½ tasa asukal

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Painitin ang oven sa 350°F.
  2. Lagyan ng paper cups ang mga maliit na muffin pan.
  3. Batihin ang mantikilya hanggang lumambot.
  4. Idagdag ang asukal.
  5. Isama ang pula ng itlog.
  6. Haluing maigi.
  7. Idagdag ang gatas at dessicated coconut.
  8. Sa mixer, batihin ang puti ng itlog.
  9. Idagdag ang asukal at batihin hanggang malapot.
  10. Masinsing ihalo sa binating mantikilya.
  11. Maglagay sa mga paper cups ng hindi gaanong puno.
  12. Isalang ng 20-25 minuto o hanggang pumula at mabuo.