Pagluluto:Lyonnaise Potato

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

¾ kilo patatas, nilaga at pinalamig ng magdamag sa repridyerator
1 tasa mantika pamprito
¼ kilo sibuyas, hiniwang manipis
¼ tasa sabaw ng baka
½ kutsara white wine
½ kutsarita asin
½ kutsara tinadtad na parsley

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Balatan ang mga nilagang patatas at hiwaing pabilog na ¼" ang nipis.
  2. Prituhin sa mainit na mantika.
  3. Isantabi.
  4. Sa isang kawali, painitin ang 1 kutsarang mantika at igisa ang sibuyas.
  5. Isama ang patatas, sabaw, white wine at kaunting asin.
  6. Haluing dahan-dahan para hindi madurog ang patatas.
  7. Paibabawan ng parsley.