Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Lumpiang Ubod

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]

Pangunahing Sangkap

[baguhin]
2 tasa ubod
1 tasa manok, ginayat
½ tasa hipon
1 piraso sibuyas
1 kutsara bawang
1 kutsarita paminta

Sarsa

[baguhin]
1 tasa asukal
3 kutsarita toyo
3 tasa tubig
1 ½ kutsarita asin
3 kutsara cornstarch
½ kutsarita paminta

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Idagdag ang manok at lutuin maigi.
  3. Idagdag ang hipon at lutuin ng 5 minuto.
  4. Idagdag ang ubod at halu-haluin hanggang maluto ang karne at gulay.
  5. Para sa sarsa, paghaluin ang asukal, toyo, tubig at asin. Pakuluan.
  6. Halu-haluin.
  7. Dahan-dahan idagdag ang cornstarch at hintaying lumapot.
  8. Timplahan ng paminta.
  9. Ihain ang lumpia na may sarsa sa tabi.