Pagluluto:Lobster Newberg
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | kilo | laman ng ulang, hiniwang pakuwadrado |
| ¼ | kutsarita | asin |
| ¼ | kutsarita | paminta |
| ¼ | tasa | katas ng lemon |
| ¼ | tasa | clarified butter |
| 1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
| ½ | tasa | white wine |
| 2 | tasa | fish veloute |
| ½ | tasa | cream |
| 5 | pula ng itlog | |
| ½ | tasa | tinadtad na parsley |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Timplahan ang laman ng ulang ng asin, paminta at katas ng lemon.
- Painitin ang clarified butter at lutuin ang ulang.
- Isalin sa pinggan.
- Sa natitirang mantika, igisa ang sibuyas hanggang lumambot.
- Idagdag ang white wine at lutuin hanggang mangalahati.
- Isama ang veloute at nalutong ulang.
- Lutuin ng 5 minuto sa mahinang apoy.
- Paghaluin ang cream at mga pula ng itlog.
- Ihalo sa niluluto.
- Painitin ng hindi pinakukulo.
- Timplahan.
- Paibabawan ng tinadtad na parsley.