Pagluluto:Lentil Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]2 | tasa | lentils |
1 | kutsara | mantika |
1 | kutsarita | tinadtad na bawang |
1 | tasa | tinadtad na sibuyas |
1 | tasa | tinadtad na kamatis (binanlian, binalatan at tinanggalan ng buto) |
¾ | tasa | tinadtad na bacon |
1 | tasa | tinadtad na celery |
10 | tasa | sabaw ng manok |
1 | dahon | laurel |
¼ | kutsarita | asin |
¼ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hugasan ang lentils at patuluin.
- Sa kaserola, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at bacon.
- Sangkutsahin.
- Ihalo ang celery, lentils, sabaw ng manok at laurel.
- Pakuluin.
- Hinaan ang apoy at lutuin hanggang lumambot ang lentils.
- Timplahan.