Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Lengua Estofada

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]
1 buo dila ng baka (mga 2 kilo)
½ tasa cornstarch
½ tasa toyo
¼ tasa suka
2 kutsara asukal na pula
1 piraso sibuyas, hiniwa
½ kutsarita pamintang buo, dinurog
1 kutsarita dinikdik na bawang
1 tasa mantikang pamprito
4 tasa tubig
½ tasa tomato sauce
½ tasa olives
1 piraso siling pula, hiniwang pahaba
4 piraso saging na saba, hinati at pinirito

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Kuskusin ng cornstarch ang dila para matanggal ang lansa. Hugasan.
  2. Banlian sa kumukulong tubig at tanggalin ang madulas na balat.
  3. Linisang maigi.
  4. Ibabad sa toyo, suka, asukal, sibuyas, paminta at bawang nang 2 oras.
  5. Patuluin.
  6. Sa kawali magpainit ng mantika at iprito hanggang pumula.
  7. Hanguin.
  8. Bawasan ng kalahati ang mantika sa kawali.
  9. Ibalik ang dila at isama ang pinagbabaran at sapat na tubig.
  10. Palambutin ang dila.
  11. Ibuhos ang tomato sauce, olives, at siling pula.
  12. Pagkaluto ay hiwain ang dila, paibabawan ng sarsa.
  13. Palamutian ng saging na saba.