Pagluluto:Lechong Manok
Sangkap
[baguhin]2 | buo | manok (mga 850 grams bawat isa) |
Marinade
[baguhin]3 | piraso | kalamansi |
¼ | tasa | honey o pulot |
¼ | tasa | patis |
2 | kutsara | asin |
2 | kutsara | liquid seasoning |
1 | kutsarita | paminta |
Sarsa
[baguhin]¼ | kilo | atay ng baboy, inihaw at tinadtad |
1 | tasa | tinadtad oa sibuyas |
¼ | kilo | asukal na pula |
1 ¼ | tasa | asin |
1 | kutsara | paminta |
3 | tasa | tubig |
1 | tasa | sukang puti |
1 ½ | tasa | bread crumbs |
1 | kutsara | pinapulang bawang |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang manok sa marinade nang isang oras o magdamag.
- Iluto sa turbo broiler o hurnuhin sa oven sa init na 300°F nang 30 minuto.
- Baligtarin ang manok at itaas ang temperatura sa 350°F.
- Lutuin hanggang lumambot at wala ng dugong lumalabas kapag tinusok nang tinidor.
Para sa paghahanda ng sarsa
[baguhin]- Pagsamahin ang atay, sibuyas, asukal, asin, paminta, tubig at suka sa kaserola.
- Pakuluin.
- Timplahan ayon sa panlasa.
- Idagdag ang breadcrumbs at batihin sa pamamagitan ng wire whisk para mawala ang buo-buo.
- Palaputin.
- Isalin sa mangkok at budburan ng bawang.
- Ihain kasama ng lechon manok.