Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Lechon Kawali

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo lechon liempo o sariwang liempo ng baboy
5 kitsara asin
5 piraso pamintang buo
5 butil bawang, tinadtad
1 tasa mantika pamprito

Sarsa

[baguhin]
¼ tasa toyo
2 kutsara suka
2 butil bawang, tinadtad
2 piraso siling labuyo

Paraan ng pagluto

[baguhin]

Sa pamamagitan ng lechon liempo

[baguhin]
  1. Prituhin ang lechon liempo ng lubog sa mainit na mantika hanggang matusta.
  2. Hanguin at tadtarin.

Alternatibong paraan

[baguhin]

Kung walang lechon liempo, pwedeng gamitin ang 1 kilo ng sariwang liempo ng baboy.

  1. Ilaga ang liempo sa tubig na may asin, paminta at bawang hanggang lumambot.
  2. Hanguin at patuluin.
  3. Prituhin ito ng lubog sa mainit na mantika hanggang matusta.
  4. Hanguin at tadtarin.

Sarsa

[baguhin]
  1. Pagsama-samahin ag mga sangkap para sa sarsa.
  2. Ihain kasama ng tinadtad na lechon kawali.

Maaring isama

[baguhin]