Pagluluto:Lechon
Ang pagluto ng lechon ay para lamang sa may tiyaga. Ito ay matagal gawin ngunit tiyak na masarap. Leehon pinakasikat na handa tuwing may pista. Kaya nga't ito ang ating pambansang ulam.
Sangkap
[baguhin]1 | buo | biik na baboy (mga 10 -15 kilo) |
1 | tasa | asin |
5 | buo | sibuyas, hiniwa sa dalawa |
½ | kilo | dahon ng pandan |
3 | lata | gatas na evaporada |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Unahin ang pagiihawan ng lechon. Sa isang bakanteng lote magtayo ng ihawan.
- Siguraduhing matibay ang ihawan, ang kawayan at tukuran nito sa gilid.
- Ang apoy ay dapat mga 1 piye (feet) ang layo sa lechon.
- Ilagay ang karamihan ng uling sa magkabilang gilid ng lechon.
- Mas mainam na ipalinis na ang biik sa palengke upang hindi kayo mahirapan mag linis ng biik. Mas marunong ang matadero na maglinis ng biik na para sa lechon.
- Kapag malinis na ang biik, naalis na ang mga laman loob, ipasok sa loob ang asin, sibuyas at pandan.
- Isunod na ibuhos ang gatas.
- Siguraduhing matatakpan ang pinagpasukan ng mga sangkap sa tiyan ng biik.
- Lamasin ng asin ang labas ng biik.
- Pahiran ang biik ng mantika.
- Kapag handa na ang uling at pagli-lechonan, ilagay na sa ibabaw ang biik.
- Paikot-ikot na ihawin ang lechon sa loob ng 2-4 oras.
- Ipagpatuloy ang pagpunas ng mantika sa lechon. Ito ay upang lumutong ang balat ng lechon.
- Pagkatapos ng 2-4 oras, maingat na saksakin ng ice pick ang lechon upang malaman kung ito'y luto na. Kapag madali ng saksakin ang lechon at pumula na ang balat nito, ito'y palatandaan na luto na hanggang sa loob ang lechon.
- Tagain ng matalas na bolo ang lechon upang hindi madurog ang balat nito.
- Masarap ang lechon kung may sarsa.