Pagluluto:Laing
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 20 | piraso | dahon ng gabi, pinatuyo |
| 2 | piraso | malalaking niyog, ginadgad |
| 1 | tasa | maligamgam na tubig |
| 1 | kutsara | mantika |
| 1 | kutsara | tinadtad na bawang |
| ½ | tasa | tinadtad na sibuyas |
| 1 | kutsara | tinadtad na luya |
| ¼ | kilo | liempo, hiniwang pakuwadrado |
| ¼ | tasa | hibe, binabad sa tubig |
| 4 | piraso | siling labuyo, tinadtad |
| ½ | tasa | alamang |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hugasan at tuyuin ang mga dahon ng gabi.
- Paghiwalayin ang mga dahon at tangkay.
- Tanggalin ang makating bahagi ng mga tangkay.
- Hiwaing 1" ng haba ang mga tangkay.
- Gataan ang ginadgad na niyog sa maligamgam na tubig.
- Sa kawali, painitin ang mantika at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
- Idagdag ang karne at sangkutsahin.
- Isama ang hibe, siling labuyo, alamang at tangkay ng gabi. # Lutuin hanggang lumambot.
- Sa bawat dahon ng gabi, maglagay ng isang kutsara ng ginisang mga sangkap.
- Ibalot at iayos sa kaserola o palayok.
- Ibuhos ang kakang gata.
- Lutuin hanggang magmantika ang gata at maluto ang gabi.