Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Krema ng Sopas na Pipino

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
3 katamtamang laki ng pipino
3 kutsara mantikilya
1 tasa harina
6 tasang binantuang gatas (3 tasang gatas evaporada at 3 tasang tubig)
2 binating pula ng itlog
1 kutsarita asin
1 pakete soda crackers

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Talupan ang mga pipino, hati-hatiing pahaba, alisin ang mga buto at saka hiwain ng maninipis.
  2. Tunawin ang mantikilya sa lutuan at lutuin ang mga pipino hanggang sa nanganganinag subali't hindi mapula.
  3. Ilahok ang harina at haluing mabuti.
  4. Unti-unting idagdag ang gatas patuloy na hinahalo.
  5. Salain ang niluluto sa salaan at pakuluin uli sa lutuan.
  6. Lagyan ng kaunting asin.
  7. Alisin sa apoy at ilagay ang binating pula ng itlog.
  8. Ihain kasama ng soda crackers.