Pagluluto:Krema ng Sopas na Mais
Itsura
Sangkap
[baguhin]4 | tasa | de lata o sariwang mais, kinudkod |
2 | pula ng itlog | |
2 | kutsara | mantikilya |
2 | kutsara | harina |
4 | tasa | gatas - (2 tasang gatas evaporada at 2 tasang tubig) |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ilagay ang mais sa double boiler kasama ng 3 tasang gatas at lutuin sa loob ng 20 minuto.
- Gumawa ng puting sarsa mula sa mantikilya, harina, at ng pinaghalong gatas at mais.
- Lagyan ng asin na pangpalasa at lutuin ng 5 pang minuto.
- Batihing mabuti ang pula ng itlog at ilagay sa natitirang tasa ng gatas na malamig.
- Ihalo ang timplang ito sa sopas. Lutuin sa loob ng 1 o 2 minuto, patuloy ang paghalo.
- Kung nais ang sopas na di malapot dagdagan ng tubig. Haluin at ihain.