Pagluluto:Kinilaw na Tuna
Sangkap
[baguhin]¼ | kilo | tuna fillet |
1 | ulo | bawang, dinikdik |
1 | piraso | katamtamang laki ng luya, hiniwang ¼ pulgada |
1 | piraso | pulang siling labuyo, hiniwang ¼ pulgada |
1 | piraso | berdeng siling labuyo, hiniwang ¼ pulgada |
1 | tasa | suka |
½ | tasa | kalamansi juice |
¼ | tasa | gata ng niyog |
½ | kutsarita | asin |
½ | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Hugasan ang tuna fillet, alisin ang natitirang balat at mga tinik. Hiwain nang tig-isang pulgada.
- Ilagay sa isang lalagyan at budburan ng paminta at asin.
- Haluing mabuti. Ibuhos ang suka at haluin muli.
- Takpan ang lalagyan at palamigin nang 2 oras.
- Alisin ang sabaw ng fillet. Isama ang kalamansi juice, bawang, siling labuyo, luya at sibuyas.
- Haluin muli at palamigin nang 20 minuto.
- Isama na ang gata ng niyog at ihaing malamig.