Pagluluto:Kilawing Kapampangan
Sangkap
[baguhin]½ | kilo | kasim ng baboy, hiniwa ng maninipis |
¼ | kilo | atay ng baboy, hiniwa ng maninipis |
¼ | kilo | baga ng baboy, tinadtad |
⅛ | tasa | toyo |
½ | tasa | kalamansi |
1 | piraso | sibuyas, hiniwa ng maninipis |
4 | butil | bawang, dinikdik |
1 | kutsarita | dinurog na paminta |
1 | piraso | dahon ng laurel |
½ | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang kasim sa toyo at kalamansi sa loob ng 1 oras.
- Igisa ang bawang at sibuyas saka ilagay ang baga ng baboy at ang binabad na kasim, paminta at laurel.
- Pakuluin sa mahinang apoy.
- Kapag malambot na ang kasim ilagay ang atay at timplahan ng asin ayon sa panlasa.
- Hanguin kapag malambot na ang kasim at malapit ng matuyo ang sabaw.