Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Kekiam

Mula Wikibooks


Sangkap

[baguhin]
½ tasa giniling na karne ng baboy
½ tasa tinadtad na bacon
½ tasa tinadtad na hamon
½ tasa carrots na hiniwang julienne
½ tasa singkamas na hiniwang julienne
1 kutsara tinadtad na bawang
1 kutsara asukal na pula
1 kutsara five-spice powder
1 kutsara tinadtad na sibuyas na mura
2 kutsara arina
2 piraso itlog
2 kutsara toyo
¼ kutsarita asin
¼ kutsarita paminta
taupe o kekiam wrapper
¼ tasa cornstarch na tinunaw sa
1 tasa tubig
1 tasa mantikang pamprito

Sawsawan

[baguhin]
1 tasa tubig o sabaw
2 kutsara toyo
2 kutsara asukal
1 kutsara ketchup
3 piraso siling labuyo, tinadtad
2 kutsara cornstarch na tinunaw sa tubig

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Paghaluing maigi ang giniling, bacon, hamon, carrots, singkamas, bawang, asukal, five-spice powder, sibuyas na mura, arina, itlog, toyo at pantimplang asin at paminta.
  2. Pantayin ang gilid ng taupe wrapper para maging kuwadrado.
  3. Pahiran ng kaunting tinunaw na cornstarch.
  4. Maglagay ng 2 kutsara ng pinaghalong sangkap.
  5. Balutin na parang lumpia.
  6. Pasingawan hanggang maluto.
  7. Palamigin.
  8. Pahiran ng kaunting mantika.
  9. Iprito sa mainit na mantika hanggang lumutong.
  10. Paghaluin sa maliit na kaserola ang tubig, toyo, asukal, ketchup at sili.
  11. Pakuluin.
  12. Palaputin ng tinunaw na cornstarch.
  13. Timplahan ayon sa panlasa.
  14. Hiwain ang kekiam ng palihis.
  15. Ihain kasama ng sawsawan.