Pagluluto:Kare-kare (baka)
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | piraso | buntot ng baka (1 ½ kilo) |
10 | tasa | kumukulong tubig |
10 | tasa | malamig na tubig |
1 | ulo | bawang, pinitpit |
2 | piraso | sibuyas, tinadtad |
4 | piraso | kamatis, tinadtad |
2 | kutsara | atsuwete |
1 | tasa | katamtamang lamig na tubig |
4 | kutsara | peanut butter |
1 | pakete | kare-kare mix |
½ | kilo | pechay tagalog |
¼ | kilo | abitsuwelas (baguio beans), hiniwa sa 1" ang haba |
½ | kilo | bataw, hiniwa ng 2" pahilis |
½ | kilo | sigarilyas, hiniwa ng 2" ang haba |
1 | tali | sitaw, hiniwa ng 2" ang haba |
1 | piraso | talong, hiniwa ng 2" ang haba at lapad |
1 | piraso | puso ng saging, hiniwa sa 2" ang haba at kapal |
1 | ulo | repolyo, hiniwa ng 2" ang haba at lapad |
3 | kutsara | mantika |
1 | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]Para sa buntot ng baka
[baguhin]- Ihulog ang hiwa-hiwang buntot sa kumukulong tubig. Dahan-dahan ito nang hindi ito mabanlian.
- Takpan at pabayaang kumulo sa loob ng 7 minuto.
- Hanguin at itapon ang sabaw.
- Linising mabuti ang buntot, kaskasin ang lahat ng dumi at alisin ang balahibo sa balat.
- Lamasin sa kaunting apog at hugasang mabuti.
Pagisa ng buntot
[baguhin]- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.
- Takpan sa loob ng 3 minuto.
- Halu-haluin.
- Isama ang mga pira-pirasong buntot.
- Takpang muli sa loob ng 3 minuto.
Pagluto ng ibang sangkap
[baguhin]- Sa malalim na lutuan, isalin ang nagisang buntot.
- Ibuhos ng malamig na tubig at takpan.
- Lutuin muna sa malakas na apoy.
- Pag kumulo na, halu-haluin, at hinaan ang apoy.
- Takpang muli hanggang lumambot ang buntot.
- Minsan-minsang haluin upang huwag manikit sa ilalim ng kaldero.
- Kapag malambot na ang buntot, isama ang kare-kare mix.
- Katasin ang atsuwete sa 1 tasang tubig, ihalo at ibuhos.
- Kapag kumulo ay isama ang bataw, sigarilyas, sitaw at puso ng saging.
- Halu-haluin at takpan sa loob ng 5 minuto.
- Isama ang peanut butter, halu-haluin at isama ang abitsuwelas (baguio beans) at talong. Takpan.
- Pagkaraan ng 3 minuto, isama ang repolyo, pechay at asin. Halu-haluin.
- Hinaan sa katamtamang apoy at pabayaang kumulo ng 3 minuto.
- Ihaing mainit kasama ng bagoong alamang o binagoongang baboy.