Pagluluto:Kalderetang Kambing
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | tasa | mantika |
| 1 | piraso | malaking sibuyas |
| 1 | lata | pimiento |
| 1 | lata | gisantes (green peas) |
| 1 | kilo | laman ng kambing |
| ½ | kilo | patatas, hiniwa ng pakuwadrado |
| 2 | butil | bawang |
| 8 | piraso | kamatis |
| 4 | tasa | tubig |
| ½ | kutsarita | asin |
| ½ | kutsarita | paminta |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang mantika.
- Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
- Isama ang laman ng kambing, asin at paminta.
- Kapag malapit nang maluto ang kambing, ilipat ito sa isang malalim-lalim na lutuan.
- Ibuhos ang tubig.
- Lutuin hanggang sa lumambot ng husto ang kambing.
- Isama ang mga hiniwang patatas.
- Kapag lumalambot na ang patatas, isama ang pimiento at gisantes.
- Patayin ang apoy kapag malambot na ang patatas.