Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Kalderetang Baka

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo batok o walang butong bahagi ng baka
¼ kilo puting sibuyas, hiniwang maliliit
tasa dinikdik na bawang
4 piraso pulang sili (red bell pepper), 2 hiniwang pino at 2 ay hiniwang medyo malaki
½ tasa tomato paste
1 dahon laurel
4 kutsara mantika
¼ kilo atay ng manok
5 piraso patatas, hiniwa sa apat
3 piraso siling labuyo
½ kutsarita asin
3 tasa tubig

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Hiwain ang karne, at papulahin sa mainit na mantika.
  2. Isama ang bawang, sinuyas, kamatis, laurel, siling labuyo at red bell pepper (pino).
  3. Lutuin hanggang lumambot.
  4. Timplahan ng asin, at isama ang tomato paste.
  5. Lagyan ng 3 tasang tubig at hayaang kumulo nang 2 oras hanggang maluto ang karne.
  6. Haluin maya't maya.
  7. Dagdagan din ng tubig paminsan-minsan habang hinahalo.
  8. Habang pinapalambot ang karne, iprito ang patatas sa kawali hanggang maluto.
  9. Pakuluan ang atay ng manok sa kaunting tubig.
  10. Habang lumalambot na, durugin ng tinidor habang nilalagyan pa ng kaunting tubig.
  11. Kapag luto na ang karne, idgagdag ang patatas, red bell pepper (malaki) pati na ang dinurog na atay.
  12. Painitin pa nang 5 minuto at patayin ang apoy.