Pagluluto:Jelly Roll Sponge Roulade
Itsura
Sangkap
[baguhin]10 | piraso | itlog, pinaghiwalay ang pula at puti |
10 | kutsara | asukal |
2 | kutsara | tinunaw na mantikilya |
1 ¼ | tasa | cake flour |
1 | kutsarita | vanilla |
1 | pakete | orange o strawberry jelly |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang oven sa 400°F.
- Sapinan ng brown paper ang isang jelly roll pan.
- Batihin ang puti ng itlog sa mixer hanggang tumigas.
- Isantabi.
- Sa ibang mangkok, batihin ang pula ng itlog kasama ng asukal hanggang lumapot.
- Ihalo ng dahan-dahan ang binating puti ng itlog, mantikilya, arina at vanilla.
- Isalin sa hinandang pan.
- IsaIang sa oven ng mga 20 minuto o hanggang maluto.
- Maghanda ng isang putol na brown paper.
- Budburan ng asukal.
- Baligtarin dito ang nalutong cake.
- PaIamanan ng jelly at igulong para maging jelly roll.
- Hiwain sa nais na kapal.