Pagluluto:Jardinera
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | buo | dahon ng saging |
| 4 | kutsara | mantikilya |
| 4 | butil | bawang, tinadtad |
| 1 | piraso | malaking sibuyas, tinadtad |
| ½ | kutsarita | paminta |
| 1 | kilo | karne ng baboy, nilaga at hiniwang pakuwadrado |
| ¼ | kilo | atay ng manok, niluto at hiniwang pakuwadrado |
| 4 | piraso | hotdog, hiniwang pakuwadrado |
| 1 | piraso | chorizo bilbao, hiniwang pakuwadrado |
| 1 | tasa | tomato sauce |
| 1 | tasa | ginadgad na keso |
| ½ | tasa | pasas |
| 2 | tasa | pinatulong pineapple tidbits |
| 1 | tasa | tinatad na pickles |
| 2 | tasa | sabaw |
| 1 | tasa | breadcrumbs |
| 1 | tasa | arina |
| 1 | piraso | nilagang itlog, hiniwa |
| 1 | piraso | siling pula, hiniwang pahaba |
| 2 | piraso | hotdog, hiniwang pahilis |
| 2 | piraso | itlog |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pahiran ng mantika ang 2 loafpans.
- Sapinan ng nilantang dahon ng saging.
- Sa kawali, painitin ang mantikilya at igisa ang bawang at sibuyas.
- Isama ang paminta, karne, atay, hotdog, chorizo, tomato sauce, keso, pasas, pinya, pickles at sabaw.
- Pakuluin at lutuin ng 20 minuto.
- Palaputin ng breadcrumbs at arina.
- Iayos ang hiniwang nilagang itlog, sili at hotdog sa dalawang loafpans.
- Batihin isa-isa ang itlog at ibubos sa mga pan.
- Hatiin ang nilutong karne at ilagay sa mga pan.
- Takpan ng aluminum foil o dahon ng saging.
- Ihurno sa oven sa init na 375°F o pasingawan nang 30-40 minuto.
- Palamigin at baligtarin sa bandehado.