Pagluluto:Irish Beef Stew

Mula Wikibooks

Sangkap[baguhin]

½ kilo patatas, hiniwang manipis
½ kilo sibuyas, hiniwang manipis
1 ½ kilo karne ng baka, hiniwang pakuwadrado
1 ½ kutsarita asin
1 kutsarita paminta
½ kutsarita thyme
1 dahon laurel
16 tasa tubig

Paraan ng pagluto[baguhin]

  1. Sa malaking kaserola, ilagay ang kalahati ng patatas at kalahati ng sibuyas.
  2. Ipatong ang hiniwang karne.
  3. Timplahan ng kalahati ng asin, paminta, thyme at laurel.
  4. Takpan ng natitirang mga patatas, sibuyas at panimpla.
  5. Ibuhos ang tubig.
  6. Lutuin sa mahinang apoy hanggang lumambot ang karne.