Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Inipit

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]

Cake

[baguhin]
6 piraso itlog (hiniwalay ang pula sa puti)
4 kutsara malamig na tubig
1 tasa asukal
1 tasa arina
1 kutsarita baking powder
¼ kutsarita cream of tartar
¼ tasa asukal

Palaman

[baguhin]
½ kilo patatas, nilaga at niligis
¾ tasa asukal
1 kutsarita ginadgad na balat ng dayap
¾ tasa gatas
¼ tasa mantikilya
3 piraso pula ng itlog

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Painitin ang oven sa 325°F.
  2. Pahiran ng shortening o mantika ang dalawang 13" x 9" pahabang baking pan at sapinan ng brown paper.
  3. Itabi.

Cake

[baguhin]
  1. Sa isang mangkok, batihin ang pula ng itlog.
  2. Idagdag ang tubig at asukal at batihin hanggang lumapot.
  3. Salain ang arina at baking powder.
  4. Masinsing ihalo sa binating itlog.
  5. Itabi.
  6. Sa mixer, batihin ang puti ng itlog at cream of tartar hanggang soft peaks stage.
  7. Idagdag ng dahan-dahan ang asukal at batihin hanggang stiff peaks stage.
  8. Masinsing ihalo ang binating pula ng itlog.
  9. Ibuhos sa baking pan.
  10. Hurnuhin hanggang maluto ang cake.

Palaman

[baguhin]
  1. Sa isang kaserola, paghaluin ang mga sangkap maliban sa pula ng itlog.
  2. Lutuin hanggang lumapot habang tuloy-tuloy na hinahalo.
  3. Isama ang pula ng itlog at lutuin pa ng ilang minuto.

Huling bahagi

[baguhin]
  1. Ipalaman ang nilutong patatas sa pagitan ng dalawang cake.
  2. Pahiran ang ibabaw ng tinunaw na mantikilya.
  3. Budburan ng asukal.
  4. Hiwain sa malililt na pansukat.
  5. Itabi sa repidyerator.