Pagluluto:Ice Box Cake

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

1 kutsara unflavored gelatin
2 kutsara tubig
1 ¼ tasa hiniwang semi-sweet chocolate
2 piraso itlog, hiniwalay ang pula sa puti
2 kutsara orange liqueur
1 tasa malamig na cream
24 piraso ladyfingers o broas
¾ tasa gatas

Paraan ng paghalo[baguhin]

  1. Ihalo ang gelatin sa tubig.
  2. Painitin hanggang matunaw ng husto.
  3. Palamigin.
  4. Tunawin ang chncolate at ihalo ang pula ng itlog at liqueur.
  5. Dahan-dahang ihalo ang pinalamig na gelatine at cream.
  6. Sa hiwalay na mangkok, hatihin ang puti ng itlog hanggang stiff peaks stage.
  7. Ihalo sa naunang mga sangkap.
  8. Kumuha ng isang loaf pan.
  9. Tiyakin kasukat ng pan ang mga broas.
  10. Kung hindi ay putulan para kumasya.
  11. Ilubog ang broas isa-isa sa gatas at iayos sa loaf pan hanggang matakpan ang buong ilalim.
  12. Ibuhos ang 1/3 ng chocolate na mixture.
  13. Maglagay uli ng mga broas hanggang matakpan ang chocolate.
  14. Pagkatapos ay patungan ng 1/3 uli ng chocolate mixture.
  15. Gawin pa ito ng isang beses.
  16. Takpan ang baking pan ng plastic cover at itabi sa repridyeraror hanggang mabuo.
  17. Bago ihain ay budburan ng kaunting cocoa powder.