Pagluluto:Hotcake
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | kahon | hotcake mix |
2 | buo | itlog |
⅛ | buo | mantikilya |
1 | kutsara | baking powder |
¼ | tasa | mantika |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang mangkok, paghaluin ang hotcake mix at baking powder.
- Ilagay ang mantikilya at isunod ang itlog.
- Haluing mabuti. Isunod ang tubig.
- Magpainit ng kawali sa mahinang apoy.
- Pahiran ng kaunting mantika ang kawali.
- Sa gitna ng kawali, dahan-dahang ibuhos ang hinalong sangkap.
- Mas mainam kung sa nonstick pan ang pangluto ng hotcake.
- Kapag bumubula na sa kulo ang hotcake mix, maingat na baliktarin ang hotcake.
- Kapag naluto na ang hotcake, hanguin ito at ilagay sa plato.
- Lagyan ng ⅛ kutsarita ng mantikilya ang ibabaw ng bawat hotcake habang mainit.
- Maari ding buhusan ng hotcake syrup ang hotcake.
- Maaring lagyan ng hiniwang saging na lakatan ang ibabaw ng hotcake o kahit anong prutas na nasa panahon.