Pagluluto:Hot and Sour Soup
Itsura
Sangkap
[baguhin]1 | tasa | tengang daga |
4 | piraso | tuyong shiitake mushroom |
1 | tasa | hiniwang pitso ng manok |
1 | kutsara | cornstarch |
1 | kutsarita | asin |
1 | kutsarita | asukal |
6 | tasa | sabaw ng manok |
2 | kutsara | sukang puti |
1 | kutsara | toyo |
1 | tasa | ginayat na bamboo shoot |
½ | tasa | ginayat na hamon |
½ | tasa | cornstarch na tinunaw sa |
½ | tasa | tubig |
1 | piraso | tokwa, hiniwang pahaba |
2 | piraso | itlog |
1 | kutsarita | chili sauce |
2 | kutsara | tinadtad na sibuyas na mura |
1 | kutsarita | sesame oil |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Ibabad ang tengang daga at shiitake mushroom sa tubig hanggang lumambot.
- Patuluin at hiwaing pahaba.
- Paghaluin ang manok, cornstarch, asin at asukal.
- Itabi pansamantala.
- Sa kaserola, ilagay ang sabaw ng manok, suka at toyo.
- Pakuluin at idagdag ang manok, bamboo shoots, hamon at mga mushroom.
- Takpan at hayaang maluto.
- Ihalo ang tinunaw na cornstarch at tofu.
- Batihin ang mga itlog at dahan-dahang ibuhos sa mainit na sabaw habang hinahalo ng tinidor.
- Isama ang chili sauce, sibuyas na mura at sesame oil.
- Timplahan ayon sa panlasa.