Pagluluto:Honey Custard
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 4 | pula ng itlog | |
| 4 | piraso | itlog |
| 1 | tasa | honey |
| ¼ | kutsarita | asin |
| 3 | tasa | pinainit na gatas |
| 1 | kutsarita | vanilla |
| ½ | kutsara | nutmeg |
| ½ | tasa | asukal pang-arnibal |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Sa isang mangkok, batihin ang pula ng itlog, buong itlog, honey at asin.
- Dahan-dahang ibuhos ang mainit na gatas habang tuloy-tuloy na hinahalo.
- Idagdag ang vanilla at nutmeg.
- Iwasang maging mabula ang pinaghalong sangkap.
- Isantabi.
- Arnibalin ang asukal sa dalawang maliit na lyanera.
- Ibuhos ang pinaghalong sangkap.
- Lutuing banyo maria sa oven na pinainit sa 350°F hanggang mabuo, mga 30-35 minuto.