Pagluluto:Hinurnong Beans
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 2 | tasa | niluto at sinalang navy beans (white beans) |
| 2 | kutsara | asukal na mapula-pula |
| ½ | tasa | tomato sauce |
| ½ | tasa | sabaw mula sa beans |
| 1 | piraso | sibuyas katamtamang laki, hiniwang pabilog |
| 1 ½ | kutsarita | asin |
| 1 | kutsara | margarina |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Igisa ang sibuyas na hiniwang pabilog sa mainit na margarina.
- Magtira ng kaunting sibuyas na hiniwang pabilog para sa palamuti.
- Idagdag ang tomato sauce sa ginisang sibuyas.
- Idagdag ang tubig, asin, at asukal, at hayaan sa mahinang apoy hanggang sa kumulo.
- Ilagay ang lutong beans, at hayaan sa mahinang apoy hanggang sa matira ang kalahati ng sabaw.
- Ilagay na palamuti ang sibuyas na hiniwang pabilog.