Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Hamonado

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 kilo pigue ng baboy, hiniwa nang manipis na pang tapa
1 tasa asukal na pula
1 ⅓ kutsarita iodized salt
kutsarita salitre
1 tasa taba ng baboy, hiniwa nang manipis
1 piraso katamtaman laking carrot, hiniwa nang pahaba
2 buo pickles, hiniwa nang manipis
1 lata pineapple chunks, sinala at tinabi ang sabaw
1 lata pineapple juice

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Lamasin ang baboy sa pinaghalong asukal, asin at salitre.
  2. Ilatag ng salit-salit sa isang malaking plato ang karne, tapa ng baboy, carrot, pickles at pineapple chunks.
  3. Bilugin ang karne sa pamamagitan ng pagtali nito ng mahigpit gamit ang makapal na sinulid.
  4. Paghaluin ang tumulong katas ng baboy, sabaw ng pineapple chunks at pineapple juice at ibabad dito ang baboy ng magdamag.
  5. Kinabukasan, pakuluan ang karne ng 1 oras.
  6. Putulin ang sinufid at palamigin ng bahagya upang dumali ang paghiwa.
  7. Palamutian ng pinya ang ibabaw ng hamonado.