Pagluluto:Ham Omelette
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 4 | kutsara | mantikilya |
| 4 | kutsara | tinadtad na sibuyas |
| 1 | tasa | hiniwang pakuwadradong hamon |
| 4 | kutsara | gatas |
| 12 | piraso | itlog |
| ½ | kutsarita | asin |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Painitin ang isang non-stick pan at ilagay ang mantikiIya.
- Igisa ang sibuyas at hamon.
- Isantabi.
- Batihin ang gatas at itlog.
- Timplahan.
- Magbuhos sa kawali ng isang tasang binating itlog.
- Magdagdag ng kaunting ginisang sangkap.
- Kapag bahagya ng nabubuo ang itlog ay itiklop ang kalahati para maging omelette.
- Lutuin pa ng ilang minuto.
- Gawin ito sa nalalabing binating itlog at ginisang palaman.