Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Halo-halo

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]




½ tasa gatas ebaporada
1 piraso ube, dinurog
1 piraso kamote, pinakuluan at hiniwa ng pakuwadrado
1 kutsara puting asukal
2 tasa dinurog na yelo
1 kutsara kaong (kulay pula)
1 kutsara gelatin (kulay berde)
1 kutsara sago (kulay puti)
1 kutsara sinangag na pinipig
1 kutsara kidney beans
1 kutsara macapuno
1 piraso minatamis na saba
1 kutsara langka
1 kutsara leche flan
1 scoop ice cream (kung nais)

Paraan ng Paghalo

[baguhin]
  1. Ilagay sa baso ang kamote, pulang kaong, gelatin, sago, kidney beans, macapuno, minatamis na saba.
  2. Idagdag ang asukal at isama ang dinurog na yelo hanggang umabot sa ¾ na bahagi ng baso.
  3. Ilagay sa ibabaw ang gatas ebaporada, ube, langka, leche flan, 1 scoop ng ice cream (kung nais) at budburan ito ng sinangag na pinipig.