Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Hainanese Chicken

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
1 buo manok (mga 1 ½ kilo)
½ tasa tinadtad na sibuyas na mura
1 piraso maliit na luya, tinadtad
2 kutsarita rice wine
1 kutsarita asin
16 tasa sabaw ng manok
1 ⅔ tasa bigas
1 kutsarita mantika
¼ kilo pechay Baguio

Sarsa

[baguhin]
2 kutsara mantika
¼ tasa hiniwang sibuyas na mura
1 piraso maliit na luya, ginadgad

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Linisan ang manok at punasan para matuyo.
  2. Paghaluin ang sibuyas na mura, luya, rice wine at asin.
  3. Ipahid sa loob at labas ng manok.
  4. Isantabi ng isang oras.
  5. Ihanda ang pasingawan na may sabaw ng manok.
  6. Pasingawan ang manok ng 45-50 minuto o hanggang lumambot.
  7. Palamigin bago hiwain sa katamtamang laki.
  8. Iayos sa pinggan.
  9. Hugasan ang bigas.
  10. Painitin ang mantika sa kaserola at igisa ang bigas.
  11. Magdagdag ng sapat na sabaw ng manok para maluto ang bigas (sa isang tasang bigas maglagay ng 2 tasang sabaw).
  12. Takpan at hayaang kumulo.
  13. Hinaan ang apoy at hayaang maluto ang bigas.
  14. Pakuluin ang natitirang sabaw at ihulog ang pechay para maluto.
  15. Hanguin ang pechay.
  16. Paghaluin ang mga sangkap ng sarsa.
  17. Ihain ang manok kasama ng sinaing, nilutong pechay, sabaw at sarsa.