Pagluluto:Guyabano Cooler
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | tasa | guyabano, tinanggalan ng buto |
| 2 | kutsara | katas ng kalamansi |
| ½ | tasa | asukal |
| 2 | tasa | kinaskas na yelo |
Paraan ng paghalo
[baguhin]- Paghaluin ang guyabano, kalamansi at asukal.
- Ilagay sa blender.
- Magdagdag ng yelo o malamig na tubig ayon sa nais na lapot.
- Haluin hanggang pino.
- Ihaing malamig.