Pagluluto:Green Salad with Mushrooms

Mula Wikibooks
Jump to navigation Jump to search

Sangkap[baguhin]

¼ kilo spinach
1 ulo letsugas
1 tasa hiniwang button mushrooms

Para sa dressing[baguhin]

1 kutsarita ginadgad na balat ng lemon
3 kutsara katas ng lemon
6 kutsara olive oil
1 kutsarita asin
½ kutsarita mustard
½ kutsarita paminta

Paraan ng paghalo[baguhin]

  1. Tanggalin ang mga dahon ng spinach at banlian.
  2. Ihulog kaagad sa mangkok ng malamig na tubig.
  3. Patuluin at tuyuin.
  4. Pilasin ang mga dahon ng letsugas, hugasan at tuyuin.
  5. Paghaluin ang mga dahon at mushrooms.
  6. Iayos sa salad bowl.
  7. Paghaluin lahat ng mga sangkap para sa dressing.
  8. Ihalo sa salad bago ihain.