Pumunta sa nilalaman

Pagluluto:Goto Arrozcaldo

Mula Wikibooks

Sangkap

[baguhin]
2 tasa malagkit na bigas
2 kilo laman-loob ng baka, pinakuluan
1 litro tubig
1 piraso katamtamang laki ng sibuyas, hiwain ng pahaba
1 butil bawang, dinurog
1 kutsarita luya, hiwain ng pahaba
1 kutsarita patis

Paraan ng pagluto

[baguhin]
  1. Magpainit ng mantika sa isang malaking kaserola.
  2. Kapag mainit na ang mantika, ilagay ang dinurog na bawang, hiniwang sibuyas at luya.
  3. Haluin ng konti hanggang ang ginisang sangkap ay mamula-mula na.
  4. Idagdag ang pinakuluang laman-loob ng baka at haluin ng mabuti.
  5. Lagyan ng tamang timpla ng patis ayon sa gustong alat. Patuloy na haluin.
  6. Ilagay ang bigas na malagkit.
  7. Patuloy na haluin hanggang ang mga sangkap ay nahalo nang mabuti.
  8. Kapag ang mga sangkap ay nahalo nang mabuti, dahan-dahang ibuhos ang 1 litrong tubig sa kaserola at haluin pa ng kaunti.