Pagluluto:Ginumis
Itsura
Sangkap
[baguhin]| 1 | kilo | panutsa |
| 2 | tasa | tubig |
| 3 | kutsara | lutong sago |
| 3 | kutsara | tinustang pinipig |
| 3 | kutsara | gulaman, hiniwang pakuwadrado |
| ½ | tasa | kakang gata |
| 2 | tasa | kinaskas na yelo |
Paraan ng paghalo
[baguhin]- Sa kaserola, iluto and panutsa sa tubig hanggang matunaw nang husto.
- Salain.
- Ibalik sa apoy at lutuin hanggang lumapot na parang arnibal.
- Palamigin.
- Sa mataas na baso, maglagay ng kaunting sago, pinipig at gulaman.
- Magdagdag ng kakang gata at arnibal.
- Punuin ng kinaskas na yelo.