Pagluluto:Ginataang Sago
Itsura
Sangkap
[baguhin]| ¼ | kilo | tapioca o maliit na sago |
| 1 ½ | tasa | gata |
| ⅔ | tasa | asukal |
| 1 | tasa | gatas |
| 3 | tasa | dinurog na yelo |
| ¼ | kutsarita | banana extract |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Magpakulo ng tubig at ilagay ang sago.
- Lutuin hanggang kumunat.
- Salain at isalin sa mangkok na may malamig na tubig. Itabi.
- Pagsamahin ang gata, asukal at gatas.
- Haluin hanggang matunaw ang asukal.
- Salain ang sago at ihalo dito.
- Lagyan ng dinurog na yelo at banana extract.