Pagluluto:Ginataang Mais
Itsura
Sangkap
[baguhin]3 | piraso | niyog, kinudkod |
½ | kilo | mais, binutil |
12 | tasa | mainit na tubig, hiwa-hiwalay na tasa |
1 ¼ | tasa | asukal |
1 | tasa | malagkit na bigas, hugasang mabuti |
½ | kilo | hiniwang langka |
1 | tasa | bigas, hugasang mabuti |
Paraan ng pagluto
[baguhin]- Pigain ang niyog upang makuha ang gata. Ito ang unang piga. Itabi.
- Gawin ang pangalawang piga. Maglagay ng 4 na tasang mainit na tubig sa kinudkod na niyog at pigain.
- Para sa ikatlong piga, ilagay ang natitirang mainit na tubig at pigain upang makakuha pa ng gata.
- Pakuluan ang bigas at malagkit na bigas sa may ikatlong gata.
- Kung ang bigas ay nasa kalahati na ng pagkakakulom ilagay ang mga butil ng mais at ang ikalawang gata.
- Lutuin nang hinahalo.
- Alisin sa apoy. Ilagay ang asukal, langka at kaunting gata mula sa unang piga.
- Magtabi ng gata mula sa unang piga upang ilagay sa ibabaw ng bawat ihahain.