Pagluluto:Ginataang Kamoteng Kahoy
Itsura
Mga Sangkap
[baguhin]- 1 kilo, kamoteng kahoy
- 2 tasa ng kinayod na niog
- 2 tasa na mainit na tubig
- 1/8 kutsaritang asin
Paraan ng Pagluluto
[baguhin]- Hugasan ang kamoteng kahoy, balatan, at hiwain ng tigtatlong pulgada.
- Lagyan ng 2 tasang mainit na tubig ang kinayod na niog.
- Lagain ng 15 na minuto ang hiniwang kamoteng kahoy sa gata na hinaluan ng mainit na tubig.
- Kapag luto na ang kamoteng kahoy, nag bibitakbitak na ito, lagyan ng asin at hanguin.
- Budburan ng kinayod na niog sa ibabaw.
- At ihain.